Munting Kaalaman











{January 29, 2010}   Alam mo ba?

maraming katanungan ang aking nais masagot sa mga nangyayari sa aking kapaligiran. dahil dito, patuloy akong nag-aaral ng mga makabagong likha ng tao o ng Diyos……

opppps!!!! di pala lahat naniniwala sa Diyos, hehe.. kung ako ang tatanungin, naniniwala ako dahil sa isang katanungan na nasagot n’ya sa isang simple pangyayari…. teka lang secret syempre yon…..

Di lahat ay totoo at di lahat ay maaring mangyari, nguti ang atin Diyos ay gumagawa ng paraan upang gabayan tayo sa ating mahabang paglalakbay….

Sana lahat ay parang kweto na may  HAPPY ENDING tulad ng mga nasa pilikula na ating napapanood… teka lang totoo bang may HAPPY ENDING..?

Siguro totoo, ngunit pano, siguro pagnamatay kana na masayang masaya..

DI PA TAPOS



Masdan mo ang pusa sa maamong mukha,

tingnan mo at para walang magawa, dahil isang simple at kaayaayang larawan…

Marami ang di maiwasang tumingin at humanga, dahil sa katangiang taglay ng pusa.

Mabuti pa nga ang pusa may sariling kakayahang mamuhay, sapagkat ang pusa ay kalakasang taglay upang ipaglaban ang kanyang sarili sa kaaway na di kanais-nais na ugali.

Ngunit kung ang pusang ito ay may kahinaan ding taglay na maaaring gamitin ng kaaway.

Sa panahon natin ngayon ang pusa ay maaring tayo, na may kakayahan lumaban, pumili, at mamuhay ng tahimik.Ngunit ang kahinaan ay ang katotohanang, ang pusa ay maaring sakim sa kayamanan at takot sa katotohanan na iisa lang ang buhay nyang hawak.

 

Oras natin ‘to na ipaglaban naman ang TAMA sa MALI….

ANONG KLASENG PUSA KA????

Ang maging Pusa na bahag ang buntot o

Ang Pusang may paninindigan……

 

Eleksyon 2010

 

 

 



{December 1, 2009}   Nasaan pa ba?

Natanaw ko na ang mga EPAL ng lipunan………… isa ka ba sa kanila?

 SINO BA ANG NAHIHIRAPAN?

-Sa bawat ningning ng mga mata ng bawat batang nagigipit sa gutom ng kahirapan ay makikita pa kaya ang kapaskuhang hinihintay ng ilan, ngunit sa mga mata ng mga taong naghihintay ng araw ng halalan ay makikitang ang limpak-limpak na salapi at kapangyarihan  na nakakasilaw. Uso pa kaya ang katapatan kung may mga taong gumagamit ng dahas upang makuha ang inaasam na posisyon sa ating pamahalaan.

 

       May mga bata pa kayang makakatanggap na regalo na galing sa puso ng kanilang mga ninong at ninang, at hindi galing sa sa masama?

      Sa tingin ko meron pa, dahil lahat tayo ay may sariling pag-iisip na itama ang mali ng bawat isa. Huwag tayong umasa sa salita ng mga taong nangangako at patuloy na nangangako ng kaunlaran ng ating buhay, dahil sila pa ang dahilan kung bakit tayo lalong lumulubog sa putik.



{August 12, 2009}   KABATAAN, ORAS NATIN ‘TO!!!

 prayer-brigade

Marami na ang nagsabing, “ito ang tama, ito ang mali” pero TEKA MUNA!!, Sino ba ang nakakaalam kung anong ang “TAMA AT MALI para sa ating Pamahalaan?

Lahat ay may plano at pangarap para sa pagbabago, pero sino nga ba ang may tunay na malasakit sa ating mahal na bansa. AKO, IKAW, TAYONG LAHAT BA ANG KASAGUTAN SA MARAMING KATANUNGAN.

Kapatid! Oras natin ito at buhay natin ang nakasalalay sa mga kamay ng mga taong may kapangyarihan.

NGAYON LAHAT AY MAY KARAPATANG MAGSALITA, ngunit sino ang mangunguna?



et cetera