Munting Kaalaman











{December 1, 2009}   Nasaan pa ba?

Natanaw ko na ang mga EPAL ng lipunan………… isa ka ba sa kanila?

 SINO BA ANG NAHIHIRAPAN?

-Sa bawat ningning ng mga mata ng bawat batang nagigipit sa gutom ng kahirapan ay makikita pa kaya ang kapaskuhang hinihintay ng ilan, ngunit sa mga mata ng mga taong naghihintay ng araw ng halalan ay makikitang ang limpak-limpak na salapi at kapangyarihan  na nakakasilaw. Uso pa kaya ang katapatan kung may mga taong gumagamit ng dahas upang makuha ang inaasam na posisyon sa ating pamahalaan.

 

       May mga bata pa kayang makakatanggap na regalo na galing sa puso ng kanilang mga ninong at ninang, at hindi galing sa sa masama?

      Sa tingin ko meron pa, dahil lahat tayo ay may sariling pag-iisip na itama ang mali ng bawat isa. Huwag tayong umasa sa salita ng mga taong nangangako at patuloy na nangangako ng kaunlaran ng ating buhay, dahil sila pa ang dahilan kung bakit tayo lalong lumulubog sa putik.

Advertisements


et cetera