Munting Kaalaman












Ano ang Asya?

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. Ito ay sukat na 43,810,582 km² o 17,159,995 milya kuwadrado (mi2).
Ang asya din ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.
Ang mga kilalang kabihasnan na nagmula sa asya ay ang mga:
1. Kabihasnan ng Tsina.
2. Kabihasnan ng India.
3. Kabihasnan ng Mesopotamia
4. Kabihasnan ng Persia
5. Kabihasnang Armaiko
-Ang Kabihasnang Armaiko ay may dalawang sangay ito ay ang:
a. Israel
b. Arabo


 


Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo),Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspia,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.

Ang mga relihiyon sa Asya ay  Hinduism, Judaism
Buddhism, Sikhism,
Confucianism, Taoism, Christianity, Islam
<!–[endif]–>

Unang Relihiyon ay Hinduism,

Hinduism-Sign-OAM

Ang Hinduismo ay isang relihiyon na nagsimula sa kontinente ng India. Ang salitang Hindu ay nangangahulugang India.

Ang Hinduismo ay kaakibat sa pundasyon ng sibilisasyon ng Vedic, at walang pang  nakakaalam kung sino ang nagpaumpisa nito. May nagsasabi na ang mga Aryano ang nagpasimula nito at kanilang itinuro sa Kabihasnang Vedic. Ito ay kinokonsiderang pinakalumang “extant” na relihiyon sa buong mundo. Ang relihiyong ito ay may mahigit kumulang sa isang bilyong tagasunod kung saan ang 890 milyon ay nakatira sa India at kinukunsidera ding pangatlo sa pinakamalawak na relihiyon sa buong mundo, sumusunod lang sa Kristyanismo at Islam.

Ang mga bansang may malaking papulasyon ng Hinduismo ay ang mga:

  • Nepal
  • Sri Lanka
  • Bangladesh
  • Indonesia
  • Malaysia

hinduism9

Ang paniniwala ng  mga Hinduism:

Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.

Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.

Ang Sistemang Kaste ay bahagi ng Hinduismo.

Ang mga tao ay hinati sa mga antas o caste, gaya ng:

  • Brahma(pari at mga iskolar),
  • Kshatriyas(maharlika at mandirigma),
  • Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa)
  • Sudras (manggagawa at alipin).

Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang caste ay mga patapon, itinatawag na “untouchables”. Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng maduduming trabaho katulad ng paglilinis ng kalsada, pagkolekta ng basura atbp. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang “untouchable” ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may caste.

Banal na ilog

Ang banal na ilog ng mga Hindu ay ang Ilog Ganges na matatagpuan sa India. Ang ilog na ito ay sinasabing may banal na tubig.

 

 



et cetera
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: